Ang Pat Special Palabok Foodhouse ay matatagpuan sa McArthur Highway, Guiguinto, Bulacan. Nakilala ng mga Bulakenyo ang Pat's dahil sa kanilang Pansit Luglog at Pansit Palabok.
Ang pinaka paborito ko ay ang Pat's Palabok na sagana sa sangkap maging sa sarsa na nagbibigay lasa sa bihon nito. Hindi maikakailang gusto itong matikman ng karamihan dahil nahuhuli nito ang panlasang pinoy. Nang dahil sa nakakagutom nitong amoy, ay siguradong mapaparami ang kain mo.
Bukod pa rito ay siguradong mahuhumaling ka rin sa sarap ng kanilang Special Halo-Halo na isa rin sa paborito kong panghimagas dahil kahit na hindi ito sagana sa sangkap gaya ng iba, ay purong gatas ang sabaw na iyong matitikman at ang nanunuot nitong aroma ang makapapawi sa init ng panahon na iyong nararamdaman.
Hindi mo na kailangang mag-isip ng mura ngunit masarap na kainan dahil sa Pat Special Palabok Foodhouse ay matatagpuan mo ang tunay na sarap sa presyong hanap mo.

No comments:
Post a Comment